SEPT
24th

Makati Police, na 'Yari Ka!'



Tila ba napasali sa isang prank show na 'Yari Ka!' ang mga miyembro ng Makati Police District.

Ito ay nangyari nang makatanggap sila sa isang tip na mayroong mga armadong kalalakihang nagtatangka umanong mangholdup ng bangko sa Paseo De Roxas, Makati.

Agad namang rumisponde ang mga pulis Makati at iba pang miyembro ng PNP. Handang-handa ang mga pwersa ng pulisya na makipagsagupa ang mga alagad ng batas sa mga hinihinalang hold uppers. Nang puntahan nila ito'y nakakita nga sila ng mga armadong lalaki ngunit ito pala'y mga miyembro ng back-up security ni Bureau of Customs Commissioner Napoleon Morales. Si Morales ay kasalukuyang nasa isang pagpupulong ng Department of Trade and Industry kasama si Secretary Peter Fabilla.

Agad namang pinahupa ng mga pulis ang tensyon sa Business District at ibinalik ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.



Kung may maganda mang kinahinatnan ang pagkakayari ng mga pulis, ito ay ang katotohanang kaya nilang rumisponde sa kahit anong sakuna o krimeng maaaring maganap kahit saan at handa silang ipagtanggol ang mamamamyan laban sa mga masasamang loob.

Huwag na lang nating intindihing na 'Yari Ka!' sila. Minsan lang naman eh. :-)

No comments: