SEPT
17th

Sa pagkalugi ng Lehman Brothers Holdings...
Pangulong Arroyo: Kaya natin yan!


Sa pagdekalara ng pagkalugi ng Lehman Brothers Holdings, isa sa pinakamatanda at pinakamalaking holdings sa Estados Unidos, pinayapa ng Pangulong Arroyo ang mga mamumumuhan na makakayanan ng bansa ang mga maaaring maging epekto nito sa pandaigdigang ekonomiya.

Sa pagharap ng Pangulo sa economic briefing sa Makati City na bumagal nga ang pag-unlad ng bansa mula 8.3 porsyento na ngayon ay 4.6 porsyento na lamang.

Ngunit salamat sa mga pinatutupad na 'economic moves' ng pamahalaan ay makakayanan natin ang epekto ng naturang financial crisis sa Amerika.

Nais ng Pangulo na siguraduhing maayos at kontrolado ang inflation sa bansa at manatiling matatag ang mga bangko sa bansa gayundin ang pagpapaababa ng presyo ng bilihin.

Ang dalawa sa pinakmalaking bangko sa Pilipinas, ang BDO (Banco de Oro) at Metrobank ay may investments sa Lehman Brothers Holdings.

Dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay nawawalan na ng 'buying power' ang mga Pilipino at nililimita na lamang sa kung ano ang pinaka kinakailangan na lamang nilang bilhin.

Sa panayam ng dzMM kay Winnie Monsod, isang kilalang ekonomista, hindi dapat mabahala ang simpleng Juan dela Cruz dahil problemang mayayaman ito.



May dapat pa ba akong sabihin?