SEPT
05th

Suansing laban kay 'Bayani'



Sinimulan nang tanggalin at sitahin ng pinagsanib na pwersa ng Lant Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga Public Utility Vehicles (PUV) na may nakadikit na 'Bayani' stickers.

Ayon kay LTO Chief Asec. Robert Suansing,labag sa batas ang paglalagay ng mga 'unauthorized signages' sa mga pampublikong sasakyan. Bukod dito, marami nang reklamong naririnig si Suansing na reklamo na nagagamit umano ito bilang pampalusot sa mga traffic violations.

Sa panig naman ni Metro Manila Development Authority Chairman(MMDA) Bayani Fernando, walang masama rito at baka ito raw ay para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani o National Heroes Day. Kung hindi man ay malamang para sa ika-25 taon ng pagdiriwang ng kamatayan ni Benigno "Ninoy" Aquino. Ngunit sa isang panayam umamin sina Fernando at MMDA general manager Robert Nacianceno na sariling pondo raw ni Fernando ito at hindi galing sa kaban ng bayan.

Iba't-iba ang reaksyon ng mga motorista sa paglipana ng nasabing sticker. May ibang nainis kay Fernando at inakusahan siya ng maagang pangagampanya. May iba naman na naniniwala sa paliwanag ni Fernando. Matatandaaang hayagang sinabi ni Fernando na plano niyang tumakbo sa 2010 elections.

Gayun pa man, buo ang desisyo ng LTO at LTFRB na tanggalin na sa lansangan ang mga nasabing stickers.




Kung anu man ang silbi ng Bayani stickers, dapat itong matanggal sa mga pampublikong sasakyan upang hindi na pagmulan ng katiwalian. Kung nais ninyong magpahayag ng inyong pagkmakabayan, humanap tayo ng mas maayos na paraan na walang kaakibat na pamumulitika.

SEPT
02nd

Tiya Dely Magpayo, pumanaw na



Matapos ng isang araw, binawian na ng buhay ang batikang broadkaster na si Fidela 'Tiya Dely' Magpayo sa edad na 87.

Namatay si Tiya Dely ganap na alas-sais diyes ng gabi sa Manila Doctors' Hospital. Binawian siya ng buhay dahil sa stroke.

Ayon kay Dra. Cynthia Juico, nagising pa ang beteranang mamamahayag Lunes ng umaga. Sinuri ang kanyang kalagayan at nakitang may malalang pagdugo sa kanyang utak ngunit hindi na ito maisasalba pa sa pamamagitan ng operasyon.

Nasa tabi ni Magpayo ang kanyang pamilya lalo na ang anak na si Didi Reyes-Belonio.

Sa kasalukuyanm nakahimlay ang katawan ng First Lady of Philippine Radio sa Loyola Memorial Park sa Marikina City. Una itong dinala sa Dayao Funeral Homes sa Concepcion, Marikina City

Hiling ng anak na si Deedee, sa halip ng bulaklak ay magtulos na lamang ng kandila para sa kanyang ina at magbigay ng donasyon sa kanyang tatlong paboritong places of devotion, ayon sa kanyang panayam sa dzBB radio.

Ang mga simbahang tinutukoy niya ay ang Black Nazarene sa Quiapo, Our Lady of Perpetual Help sa Baclaran at Monasterio de Santa Clara sa Katipunan, Quezon City.

Bukod dito, hiningi rin niya na hanggang Huwebes na lang ng umaga bumusita ang kanyang mga tagasubaybay at ilaan ang natitirang araw para sa kanyang pamilya at kamag-anak.

Ihahatid sa huling hantungan si Tiya Dely sa Sabado, alas tres ng hapon sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

(photo courtesy of ABS-CBN news)


Malaking kawalan si Tiya Dely sa industriya. Salamat sa kanyang mga naiambag. Siya ay siguradong hindi malilimutan ng kanyang mga tagapakinig.

Si Tiya Dely ay nagpapaalam na sa'yo...sa'yo... at higit sa lahat...sa'yo.

AUG
31st

Tiya Dely Magpayo, na-sroke!



Nakaratay ngayon sa banig ng karamdaman ang broadcasting icon na si Tiya Dely Magpayo, radio-broadcaster ng DZRH dahil sa partial stroke.

Nangyari ito bandang alas onse'y medya ng gabi ng sabado habang siya ang nasa programa niyang "Serenata Filipina" Ang nasabing programa ay nagpapatutugtog ng mga kilalang lumang awiting bayan na inawit ng Mabuhay Singers at iba pang kilalang mang-aawit ng kundiman. Sa nasabing programa, kausap niya si Dr. Edna Lucis, isang doktor na nagtataguyod ng virgin coconut oil sa bansa. Matapos ang interview tuloy si Tiya Dely sa pagere. Ngunit bigla itong nawala at tanging ang Pangkat Kolektibista at ilan pang regular na kasama niya ang nagpatuloy ng programa. Ayon kay Danny Dolor, bigla nabulol magsalita sa Magpayo na senyales na pala ng atake nito. Agad na sinugod ang 88-anyos na broadkaster sa Manila Doctors' Hospital upang malapatan ng kaukulang lunas.

Sa kasalukuyan ay bumubuti na ang kalagayan ng tinaguriang First Lady of Philippine Radio. Si Fidela Magpayo, sa totoong buhay ay nagkamit na ng maraming parangal sa loob ng kanyang 68 taong pamamayagpay sa radyo. Ilan rito ay Pama-As Gintong Bai (Centennial Women) award mula sa National Commission for Culture and the Arts; Gawad Plaridel ng University of the Philippines College of Mass Communications; at Lifetime Achievement Awards mula sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas at Rotary Club of Intramuros at ang pinakabago ay ang Gawad Saguisag Quezon.


Tulad ng hinihinggi ng mga taga DZRH sa pamumuno ni Joe Taruc, nawa'y ipagdasal natin ang agarang paggaling ni Tiya Dely. Siya ay maituturing nang isang alamat sa larangan ng brodcasting at dapat maging modelo ng mga nag-aaral ng Mass Communication o Broadcast Communications dahil sa kanyang angking dedikasyon, galing, sipag at pagpapahalaga sa wikang Filipino.