AUG
22nd
Killer Maid, nadakip na!
Matapos ang tatlong araw, nahuli na rin ang tinaguriang 'Maid-Killer" o ang napapabalitang kasama sa bahay na nanlalason ng kaniyang nagiging amo upang pagnakawan ang mga ito. Ang mga biktima ng naturang magnanakaw ay mga Tsinoy na naninirahan sa Sta Cruz at Binondo, Manila.
Ayon sa suspek, hindi siya nag-iisa. Isang sindikato ang nagpapatakbo ng naturang modus operandi ngunit iisa ng taktika. Mamamasukan bilang kasambahay at pagkatapos ng ilang araw, lalasunin ang pamilyang bibiktimahin at tatangayin ang mga pera at alahas ng amo.
Itinuturing nang 'case closed' ang nasabing kaso sa pagkakadakip ng suspek kasama ang itinuturo nitong utak ng modus operandi.
Para sa iba, 'no-brainer' o di dapat masyadong pinag-iisipan ang dapat gawin kapag tayo ay kukuha ng isang kasambahay. Nariyan ang NBI Clearance, Police Clearance, resume, at iba pa. Lahat ito, normal na hinihingi ng isang employer sa kanyan employee. Sa kasong ito, hindi ito naganap. Dahil sa galing ng suspek sa pakikipagpalagayang-loob, nakuha niya agad ang tiwala ng mga bibiktimahin niya at makalipas lamang ang ilang araw ng paunti-unting panglalason gamit ang isang puting powder, sa ospital na ang susunod na eksena at pag-uwi na ng inyong pamilya, wala ang mga naipundar na yaman.
Madaling manisi, ngunit hindi kasalanan ang magtiwala sa kapwa lalo na kung ito ay nanghihingi ng tulong sa atin, at tayo naman ay may kakayahang tumulong.