AUG
29th

Cadungog Lalaban para sa Philippine Air Force



Emosyunal na dinpensahan ni Lt. Col. Pedrito Cadungog ang Philippine Air Force (PAF) sa paratang ng ilang kumentarista at kolumnista na tinaguriang 'flying coffins' at 'widow makers' ang mga sasakyang panghipapawid ng Air Force. Ito ay dahil sa pagbagsak ng Hercules C-130 sa Davao Gulf noong Lunes.

Ayon kay Cadungog, insulto ito 'di lamang sa Hukbong Sandatahan ngunit maging sa mga taong nasebisyuhan ng nasabing eroplano. Sa loob ng tatlumpung taong buhay ng bumagsak na eroplano, ito ay nakapaghatid na ng mga supplies tulad ng bala sa mga tropa ng militar at mga relief goods sa panahon ng bagyo. Ito rin ay nagsilbi ng service ng ilang kongresista, senador at ilan pang kawani ng gobyerno. Tinawag niyang walang puso, walang utak at bastos ang mga miyembro ng media na nagbigay ng nasabing taguri sa mga sasakyang panghipapawid ng Air Force.

Bukod dito, hinamon ng suntukan ni Cadungog ang sinumang tatawag na 'flying coffins' at 'widow makers' ang kanilang mga gamit panghimpapawid. Hindi niya hahayaang sumakay ang sinuman lalo na ang mga kasapi ng Philippine Air Force sa mga eroplanong ito kung ito nga ay isang 'flying coffin'.


Muling nabuksan ang isyu ng modernisasyon ng PAF maging ng AFP at ng Philippine Navy. Kung tutuusin, laging nauungkat ang usaping ito kapag may nangyayaring sakuna sa mga kagamitan o miyembro ng militar. Tulad ng pagkamatay ng isang sundalo ng AFP sa bakbakan sa Lanao de Norte. Namatay si Marine Cpl. Angelo Abeto sa harap ng milyong taong nakapanuod o nakarinig ng pagbabalita ni Jiggy Manicad sa pakikipagbakbakan ng AFP laban sa mga rebeldeng MILF. Isang Bell 412 helicopter, na pribadong pagmamay-ari ng isang Amerikanong grupo at hindi isang UH-1H Huey helicpoter ang nagsilbing Medevac (Medical evacuation) ni Cpl. Abeto.

Maraming pwedeng sabihin. Maraming pwedeng iturong dahilan. Maraming maraming pwedend sisihin. Pero bilang responsableng mamamahayag, (slogan 'to ng RMN) hinihingi kong ating bigyang pugay ang mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas - ang ating mga sundalong nagbubuwis ng buhay para sa ating kasarilan.

AUG
26th

Among Ed Panlilio laban sa Recall Elections



Hinihingi ng Kapanalig at Kambilan ning Memalen Pampanga Inc. (Kambilan) sa pamumuo ni dating Provincial Board Member Engineer Rosve Henson na magsagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng recall election upang matanggal si Pampanga Governor 'Among' Eddie Panlilio sa kanyang pamumuno.

Ayon sa grupo, si Among Ed ay walang kakayahang pamunuan ang nasabing probinsya at ang lumalalang problema sa koleksyon sa quarry, isa sa malaking pinagkukunan ng pondo ng Pampanga. Base sa rekalamong isususmite nina Henson, tahasang nilabag ni Panilio ang ilang probisyon ng Civil Service Law; Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Republic Act No. 6713, mas kilala bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; at Grave Misconduct in Office.

Naniniwala naman si Among Ed at ang mga sumusuporta rito na pulitika ang rason kung bakit lumabas ang isyung ito. Maaring masyado na niya nasasagasaan ang mga nakikinabang noon sa malaking kitang ipinapasok ng quarrying maging sa illegal na sugal na jueteng.

Si Henson ay kilalang sumusuporta kay dating gobernadora Lilian Pineda, asawa ng sinasabing jueteng lord na si Bong Pineda. Tahasang itinanggi ni Henson na may kinalaman si Pineda sa naturang hakbang.

Sa ngayon ay hindi pa sinusumite ng grupo ang nasabing petisyon. Kinakailangan nila ng pirma ng mahigit sampung porsyento ng mga botenta sa Pampanga upang masagawa ang recall elections.




Para sa kaalamanan ng lahat, si Among Eddie Panlilio ay dating pari na tumakbo nitong 2007 election. At aminado si Among na wala siyang masyadong alam sa pulitika at sa pamamahala ng pamahalaaan. Inamin niya ito noong Sabado sa Light Moments with Fr. Jerry Orbos, SVD. Si Fr. Orbos ay kaklase ni Panlilio noon sa seminaryo. Ngunit unti-unti niyang pinag-aaralan ang lahat ng kinakailangan niyang malaman sa pagpapatakbo ng Pampanga.

Para sa mga Kapampangan, si Among ang simbolo ng pagbabago sa pamamahala ng Pampanga. Dekada na ang binibilang ng pamamahala ng mag-amang Lapid (Mark at Senador Lito) maging ng mga Pineda ngunit wala umanong malinaw o malaking pagbabago sa pamumuhay nila. At nakita nila ang pag-asa kay Among Ed.

Sugal na maituturing ang ginawa ng mga Kapampangan ngunit kung titignan ang mga nagawa ni Among sa loob ng labingwalong buwan ng pamamahala, maraming pagbabago na ang kanilang naramdaman, partikular sa aspeto ng kalusugan at ang pagkawala unti-unti ng jueteng sa naturng probinsya. Nakilala ang Pampanga bilang sentro ng kurapsyon at ng jueteng sa bansa at ayon na rin sa mga mamamayan nito, nabago ito ni Among.

Sana'y pabayaan muna natin si Among Ed na gawin ang alam niyang tama, at sa kalauna'y makikita rin ang progresong minimithi ng mga Kapampangan. Kung tutuusin, ganito rin ang pinag-daanan ni Gov. Vilma Santo nang una siyang tumakbo bilang Mayor ng Lipa. At ngayon, isa ng maunlad na probinsya ng Lipa City.


AUG
25th

Backstab? Annabel Rama and Sharon Cuneta speaks out



Inihayag kahapon nina Sharon Cuneta at Annabel Rama ang kanilang pagkadismaya sa umanoy aksyon ng GMA 7 sa pagsasabay ng Dingdong-Marian Birthday Special sa Opening Day ng "For the First Time" na pagtatambalan nina GMA-7 artist Richard Gutierrez at ABS-CBN second generation star KC Concepcion.

In the latest episode of Sharon aired August 24, 2008, direktang nagtanungan ang mga nanay ng dalawang stars ng nasabing pelikula ukol sa animoy planadong aksyon ng GMA management na sabayan ang unang pelikulang pagtatambalan nina Richard at KC. Pareho silang disappointed with the event but does not blame the people involved; specifically Marian Rivera and Dingdong Dantes. Rama even noted na pwede namang mag-set ng ibang date para sa show, at hindi sa Opening Night. Sharon directly told Tita Annabel that she is indeed disappointed with GMA. The fact that gagawin nila yun sa isa sa mga artista nilang nag-aakyat ng maraming pera and boots the ratings of the Kapuso station to double digits.




wala lang. naaliw lang ako sa kwento. wala akong narinig na maganda o exciting na balita eh. kaya eto na lang pinatulan ko. salamat.