SEPT
25th

Cong. Rodriguez: Lisensya ni Pacman, ikansela!



Sa pangamba sa maaring mangyari sa buhay ni Manny 'Pacman' Pacquiao, hiniling ni Cagayan de Oro Congressman Rufus Rodriguez na kanselahin ang lisensya ni Pacman upang hindi ito makalaban kay Oscar 'The Golden Boy' dela Hoya na magaganap sa Disyembre 6 sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas.

Hiniling ni Rodriguez sa Games and Amusement Board noong budget hearing sa Kongreso dahil maaaring mapahamak o mamatay si Pacman dahil sa 'mismatch' na nakikita ni Rodriguez sa nasabing laban. Mas matangkad at mabigat si Dela Hoya kaysa ay Pacquiao. Bukod dito, dalawang weight class division and kailangan akyatin ni Pacquaio sa labang ito.

Pinagsabihan naman ni Bacolod Representative Monico Fuentebella na pabayaan na ang Pambansang Kamao sa labang ito at kung may nakakakilala man sa kakayahan ng boksingero ay ang kanyang trainer na si Freddie Roach ang ang kanyang kampo. Bukod dito, iginiit pa ni Fuentebella na naparakaming problema ng Kongreso na dapat nilang pagtuunan ng pansin kaysa pakialamanan ang laban ni Pacman. Maaring makaapekto rin sa problema sa paglaban ni Pacquaio ang mga ganitong balita.

Giit ni Team Pacquiao Chief of Staff Jake Joson, na ayon mismo sa dating trainer ni Golden Boy na is Roach, kayang-kaya ni Pacman ang kanyang makakalaban at nagpapasalamat rin sila sa mga nag-aalala sa kaligatasan ng Pambansang Kamao.

Samantala, dalawang buwan pa bago ang inaabangang laban nina 'Pacman'at 'Golden Boy' ngunit ngayon pa lamang ay ubos na ang tickets para sa inaabangang bakabakan. Tuwang-tuwa naman si Golden Boy Promotions chief executive officer Richard Schaefer at sinabing ito ay patunay kung gaano kasabik ang mga boxing fans sa nasabing laban.


Maaraming nagsasabing ito ang pinakamalaki at pinakamahalagang laban ng Pambansang Kamao hindi dahil sa kanyang makakalaban kundi dahil sa mga kuwentong bumalot at patuloy na bumabalot sa labang ito. Matatandaang muntikan nang hindi matuloy ang labang ito ngunit matapos ang mahabang diskusyon ay kumpirmado ng tuloy ang bakbakang Pacquiao - Dela Hoya.

Katanggap - tanggap ang punto ni Congressman Rodriguez tungkol sa labang ito ngunit sabi nga ni Congressman Fuentebella, dagdag pa ang kumento nina Karen Davilla at Vic de Leon Lima, mas marami pang problema ang bayan kaysa pakialamanan ang buhay ni Pacman. Wika nga nila, matanda na siya at kaya niya ang sarili niya. Bukod dito hindi ipapahamak ni Pacman at ni Coach Freddie Roach ang kanyang buhay sa ngalan lamang ng pera o ng titulo.

Bahala na. Anatabayanan na lamang natin ang mga susunod na pangyayari.

No comments: