SEPT
02nd

Tiya Dely Magpayo, pumanaw na



Matapos ng isang araw, binawian na ng buhay ang batikang broadkaster na si Fidela 'Tiya Dely' Magpayo sa edad na 87.

Namatay si Tiya Dely ganap na alas-sais diyes ng gabi sa Manila Doctors' Hospital. Binawian siya ng buhay dahil sa stroke.

Ayon kay Dra. Cynthia Juico, nagising pa ang beteranang mamamahayag Lunes ng umaga. Sinuri ang kanyang kalagayan at nakitang may malalang pagdugo sa kanyang utak ngunit hindi na ito maisasalba pa sa pamamagitan ng operasyon.

Nasa tabi ni Magpayo ang kanyang pamilya lalo na ang anak na si Didi Reyes-Belonio.

Sa kasalukuyanm nakahimlay ang katawan ng First Lady of Philippine Radio sa Loyola Memorial Park sa Marikina City. Una itong dinala sa Dayao Funeral Homes sa Concepcion, Marikina City

Hiling ng anak na si Deedee, sa halip ng bulaklak ay magtulos na lamang ng kandila para sa kanyang ina at magbigay ng donasyon sa kanyang tatlong paboritong places of devotion, ayon sa kanyang panayam sa dzBB radio.

Ang mga simbahang tinutukoy niya ay ang Black Nazarene sa Quiapo, Our Lady of Perpetual Help sa Baclaran at Monasterio de Santa Clara sa Katipunan, Quezon City.

Bukod dito, hiningi rin niya na hanggang Huwebes na lang ng umaga bumusita ang kanyang mga tagasubaybay at ilaan ang natitirang araw para sa kanyang pamilya at kamag-anak.

Ihahatid sa huling hantungan si Tiya Dely sa Sabado, alas tres ng hapon sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

(photo courtesy of ABS-CBN news)


Malaking kawalan si Tiya Dely sa industriya. Salamat sa kanyang mga naiambag. Siya ay siguradong hindi malilimutan ng kanyang mga tagapakinig.

Si Tiya Dely ay nagpapaalam na sa'yo...sa'yo... at higit sa lahat...sa'yo.

No comments: