AUG
31st

Tiya Dely Magpayo, na-sroke!



Nakaratay ngayon sa banig ng karamdaman ang broadcasting icon na si Tiya Dely Magpayo, radio-broadcaster ng DZRH dahil sa partial stroke.

Nangyari ito bandang alas onse'y medya ng gabi ng sabado habang siya ang nasa programa niyang "Serenata Filipina" Ang nasabing programa ay nagpapatutugtog ng mga kilalang lumang awiting bayan na inawit ng Mabuhay Singers at iba pang kilalang mang-aawit ng kundiman. Sa nasabing programa, kausap niya si Dr. Edna Lucis, isang doktor na nagtataguyod ng virgin coconut oil sa bansa. Matapos ang interview tuloy si Tiya Dely sa pagere. Ngunit bigla itong nawala at tanging ang Pangkat Kolektibista at ilan pang regular na kasama niya ang nagpatuloy ng programa. Ayon kay Danny Dolor, bigla nabulol magsalita sa Magpayo na senyales na pala ng atake nito. Agad na sinugod ang 88-anyos na broadkaster sa Manila Doctors' Hospital upang malapatan ng kaukulang lunas.

Sa kasalukuyan ay bumubuti na ang kalagayan ng tinaguriang First Lady of Philippine Radio. Si Fidela Magpayo, sa totoong buhay ay nagkamit na ng maraming parangal sa loob ng kanyang 68 taong pamamayagpay sa radyo. Ilan rito ay Pama-As Gintong Bai (Centennial Women) award mula sa National Commission for Culture and the Arts; Gawad Plaridel ng University of the Philippines College of Mass Communications; at Lifetime Achievement Awards mula sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas at Rotary Club of Intramuros at ang pinakabago ay ang Gawad Saguisag Quezon.


Tulad ng hinihinggi ng mga taga DZRH sa pamumuno ni Joe Taruc, nawa'y ipagdasal natin ang agarang paggaling ni Tiya Dely. Siya ay maituturing nang isang alamat sa larangan ng brodcasting at dapat maging modelo ng mga nag-aaral ng Mass Communication o Broadcast Communications dahil sa kanyang angking dedikasyon, galing, sipag at pagpapahalaga sa wikang Filipino.

No comments: